aniwde

Ocean Adventure and Camayan Beach Tour

6:27:00 PM



Budget for the trip:
Metrodeal Package Tour with Roundtrip Tranports: ₱1099 per head
Lunch: ₱500 budget
Photo with SeaLion: ₱300
Total Cost: ₱3000 for two
Our Story:
Dahil malapit na ang aming birthday, naisipan kong icelebrate namin ito bilang isang BirthDate, yes mag ddate kame at naisipan ko na lumayo layo kame sa pampanga. So nag hanap ako ng pwede namin mapuntahan, at tulad nga ng sabi ko wala  kaming sasakyan so dapat mejo hassle free naman ang aming birth-date.
Nag browse ako sa metrodeal at nakakita ako ng promo na Ocean Adventure Day Tour with Side trip to Camayan Beach Resort and Shuttle Service for only 1099 per head. Dali dali ko naman itong inavail. At oo, mejo malaki ang tiwala ko ke Metrodeal na hindi sya fake, so far e hindi panaman ako na scam sa mga binibili ko dito
Nag pabook ako kaagad sa Ocean Adventure, nag email ako ng aming mga pangalan at time and place kung saan kame ppick-upin ng shuttle service. Hindi nila ko nireplyan, nalalapit na ang booked date namen pero di parin sila nag rreply, so tumawag ako, ayun confirmed na daw at nabook na daw kame. Kaso mas ok sana kung meron silang email na nagsasabi na nareceive nila ung booking ko para less stress.
March 16, 2014 ng nag kita kame sa maingate 7:30am ang usapan namin. Bumili muna kame ng jollibee para sa almusal namin, pumunta kame sa may SM Clark para tignan kung andun ung susundu saamin. At ayun, nakita namin ang puting van na may logo ng Camayan Beach Resort. Pinakina namin kay kuya driver ung voucher namin galing metrodeal dun nia kame pinapasok sa loob at ang okay pa don e kaming dalawa lang pala ni mewmew ang bbiahe papunta ng Ocean Adventure:)
h
Matapos ang isang oras na biahe mula sa Clark ay narating na namin ang Ocean Adventure, Hassle Free ang biahe, mejo alangan lang kame ke kuya dahil puru kame selfie ni mewmew sa van. Pag dating namin ay nag selfie ulit kame sa paligid. Dito ko nakita na di ako maxadong prepared kase ung iba may tripod, may monopod at may taga kuha ng pictures. Samantalang kame umasa lang sa timer at trashcan ang patungan namin ng cellphone para makapag papicture.
a
Pagkatapos nito ay pumunta na kame sa Eco Theater para sa Walk on the Wild Side Show, dito pinakita ang mga exhibition ng ibat ibang animals, masaya at nakakatuwa ang palabas. Meron din survival tips tulad ng pag gawa ng apoy, pagawa ng baso sa kawayan at marami pa. Meron ding snake na nakatago sa paligid ng mga nanonood hehe mejo scary ung part na un. pero masayang masaya! Pinahawak pa samin ung snake, dito malalaman na hindi pala madulas ang texture ng ahas.
a
Pagtapos nito ay tumungo naman kame sa isa pang show na may nagsasayaw na sealion mascot kasama ang Balancing Act Dancers. Masaya ang panonood namin nito, tinuturuan nila ang mga manonood ng mga tips kung pano pangalagaan ang dagat.
Pagkatapos namin manood ay may nag offer saamin ng Selfie with the Sealion for 300 pesos. Since minsan lang kame mapunta dito e kinuha nanamin ang oportunity to meet and greet a sealion. Ok naman ang encounter, mabait naman ung sealion pero mejo scary paren lumapit baka kase magwala sya. Pinapakiss nila saken ung sealion kaso ayoko kase malansa ung amoy nia.
a
Naglibot libot muna kame doon sa mga fish aquariums sa loob ng Ocean Adventure. Tapos kumain na kame. May kainan sa loob ng Ocean Adventure, nasa 200-300 ang single order meal. Ok naman masarap ung back ribs na inorder namin.
Pagtapos kumain ay dumiretso kame sa dolphin show. Tuwang tuwa ako kahit malayu ang distansya namin sa panoorin. Mainit sa lugar namin buti na lang may payong kami. Month after ng tour naming ito nabalitaan namin na namatay na ung pinaka malakinh dolphin sa ocean adventure😦 buti naabutan pa namin ang performance ni Tonka.)
a
Tapos nito bumalik kame para panoorin naman mag perform ang sealion. Ok ung performance nila nakakatuwa at nakaka aliw talaga. Meron isang kuya na nag volunteer para makilaro sa sealion. Pinagpustahan pa namin kung scripted ba o hindi. At ayon sa source namin ay scripted lang pala un. Pero naenjoy ko kase first time ko un makita.
5:00 pm na, tapos na ang tour namin sa Ocean Adventure. Dumaan kame saglit sa Camayan Coast maganda ung lugar maganda ung tubig ang kaso lang wala kaming dalang panligo. Nagbabad lang kame ng paa, umupo sa may buhangin at nagpahinga at nag kwentuhan.
body-image
Tapos umuwi nakame. Sabi ni kuya driver pwede kame mag stay hanggang 8pm, buti na lang talaga wala kameng ibang kasama sa tour at malaya kame umalis. Kaya ayun nakauwi kami kaagad

You Might Also Like

0 comments